16 May 2008...4:19 am

KL: 1st Leg Triple Crown sa Linggo!

Jump to Comments

KARERA LANG!  By Jenny Ortuoste for Tumbok,  16 May 2008, Friday

1st leg Triple Crown sa Linggo!

Para sa karamihan, litaw sa field ng 1st leg Philracom Triple Crown Championship Series sina Indelible Ink at Don Enrico.

Si “Tinta” ay namayagpag noong 2007 bilang 2YO. Siya ang nakakopo ng karamihan ng Philracom-sponsored races para sa juveniles, at napasakanya rin ang Philtobo Mitra Cup Juvenile Fillies trophy, ang Klub Don Juan de Manila counterpart race, at ang Philracom Juvenile Championship, kung saan nirematehan ni “Tinta” ang nagbanderang Don Enrico at nanalo pa ng limang kabayo, “pulling away”.

Napunta naman kay Don Enrico ang Philtobo Mitra Cup Juvenile Colts at ang katapat na karera ng MARHO Breeders’ Cup.

Ngunit itong taon, nadismaya ang fans ni Indelible Ink dahil parang nabawasan ang kanyang tulin at paremate powers. Tinalo siya ni Don Enrico sa dalawang stakes races - ang Chairman’s Cup at ang Aquamarine I Stakes, parehong sponsored ng Philracom.

Fame_ink

Shining Fame with Patty Dilema up; Indelible Ink with Jeff Zarate, 2008

Sa Chairman’s Cup, ilong lang tinalo ni DE si Indelible Ink. Iginiit ng supporters ng huli na “naka-tsamba” lang daw si Don Enrico. Ngunit sa Aquamarine, tatlong kabayo ang panalo ni DE at tersero lang si Ink kay Imperial Ballet.

Ngunit ang lahat na iyan ay nakaraan na. Ang bawat karera ay parang bagong panimula. Kaya bang makabawi ni Indelible Ink? Ang mga advantages niya - kasali dito sa 1st leg Triple Crown ang kanyang stablemate na si Queen Elena, na maaring magsilbing panlucha kay DE upang pagurin ito, nang makaremate si Ink.

May maganda ring tuneup race sa CD 4-1AB si Ink noong May 2, kung saan ang dala niya ay 58 kg at tinalo ng walong kabayo si Don Alejandro, na kasali sa Hopeful stakes sa Linggo.

Nakapag-tuneup rin ng maganda noong May 3 si DE sa class-division, kung saan ang peso niya ay 56 kg at tinalo niya ng tatlong kabayo si Security Queen.

Ngunit maka-menos kaya DE ang pagpalit ang kanyang hinete? Mula kay John Alvin Guce na gumabay sa kanya mula’t-sapul, si Jonathan “Unoh” Hernandez na ang sasakay sa kanya sa Linggo sa San Lazaro Leisure Park.

Ayon kay Batikang Tipster, pabor daw ang pagpalit dahil “umentado sa hinete”. Dagdag pa niya, “Kay Don Enrico ako. Bago ako kumampi kay Indelible Ink, talunin niya muna ng dalawang beses sa stakes race si Don Enrico!”

Don_enrico_unopposed

Don Enrico with John Alvin Guce; Unopposed. 2008

Si Charming Announcer: “Indelible Ink. Maganda ang kundisyon niya ngayon.”

Respected Ex-Jockey: “My heart belongs to Don Enrico!”

Veteran Handicapper: “Kay Indelible Ink ako, kasi maganda ang prueba niya noong CD, 1:26.6 sa 1400 meters.”

Ako naman, manalo o matalo, kay Don Enrico. Distansiya na niya ang milya. Nasa magandang kundisyon siya, at tingin ko hindi namimili ng hinete dahil naipanalo ni John Cordero sa CD.

Kung makuha ni DE ang unahan, tingin ko makakabuo, kahit luchahin pa siya. Kung mauna naman ang sprinter na si Queen Elena, maaring sumunod lang si DE at magparemate sa far turn o rekta.  Kailangan lang maganda ang salida sa gate!

Kung kay DE man kayo o kay Ink, bigyan n’yo rin ng pansin dito sina Hieroglyphics at Shining Fame, na dumating ng cuarto sa Aquamarine I.

Samantala, ang milyang Hopeful Stakes race ay wide-open, anybody’s race. Pansinin diyan sina Anonymous (nanalo ng 2008 Aquamarine II stakes) at Arithmetic (nanalo ng 2007 MARHO Breeders’ Cup Juvenile Fillies).

Triple Crown lang - walang personalan!   *** (Sorry, I have no photos of Hieroglyphics and Queen Elena yet)

1 Comment

  • Isa pong panawagan sa bayankarerista na iboycott po natin ang karera sa Linggo, May 18,kung saan gaganapin po ang 1st leg triple crown sa SLLP. Ito po ang sagot sa pagkakaperder ng kabayong Defiant at Euphoria sa R3 Huwebes, May 15.Ang simpleng dahilan na lack of interest ay lumang tugtugin na po at ang pagpataw ng nararapat na suspension sa hinete.Kaawaawa naman ang maliliit na karerista na halos itaya ang pera na pinag-ipunan na napunta sa pagkatalo dahil hindi inilaban ng hinete na siguro ay may go signal sa may-ari o trainer.Ang katiwalian sa karera ay gaya rin ng Zte Deal o Meralco na pumapabor lamang sa iilang malaking tao.Unti unti na rin pong humihina ang sales ng karera dahil sa mga anomalya at di tamang handicapping.

Leave a Reply